ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay,
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon 
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon,
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit 
May bukas na sa yo’y di na rin sasapit 
Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s